Friday, October 13, 2006

21

Nineteen eighty-five, sounds cool? Anu-ano ba mga nangyari noong nineteen eighty-five? Hehehe, wala lang.

Sabi ng isang kapit-bahay na updated palage sa balita, pinalaki daw akong hindi disiplinado, hindi daw ako dinisiplina ng aking mga magulang. Totoo kaya yun? Ewan!

Every year may bagong laruan, makabagong technology, sapatos, damit, etc. ang pinsan ko. Galing ko noh? Alam na alam ko, sabay kasi kami lumaki sa iisang bahay eh. Ganun din kaya ako? Simple lang trabaho ni erpats at ermats, pag may pera, may bago din sakin, pero kailangan idaan sa mataas ng grades. Lahat ng gusto ko nung bata ako ay bihira ko lang makamit. Kaya siguro liberal ako ngayon. Hehe. Tama nga si kapit-bahay, pinalaki nga siguro akong hindi disiplinado, kasi minsan napapansin ko din na nakakaaway o nakakasagutan ko mga kapatid at magulang ko. Lahat nagagawa ko. Siguro kaya ganun dahil nahihiya si erpats, hindi niya mabigay mga gusto ko, hindi tulad ng sa pinsan ko maya't-maya may bago. Kaya siguro hindi siya naging strict sa amin? Kaya siguro liberal ako ngayon?

Dumaan ako sa marijuana, yosi, Q.Ave., at hazing. Alcohol, pag trip ko lang. Anytime pwede ako lumabas, anytime pwede ako umuwi. Haha, mahilig ako manood ng mga banda, tumambay kung saan-saang bar at coffee shop. Manood ng sine, ayos yun! Pero lahat ng luho ko, pinaghihirapan ko, katas yun ng baon ko sa eskwela. Tahimik lang akong tao. Enjoy kaya mag-aral! =)

Marunong akong gumalang ng kapwa ko. Ewan ko lang sa loob ng bahay, hehe. Lakas nga ng impluwensya ng Angelicum eh. Pero kapag hindi ko trip, hindi ko talaga trip. Speaking of Angelicum, isang Angelican ang kinababaliwan ko ngayon. Kaso Thomasian na pala siya ngayon, college na eh. HRM ba course niya? Hehehe, in-love na nga siguro ako.

Malapit na pala mag twenty-one! Sana hindi maintindihan ng bumabasa nito ang mga sinulat ko. Hahahaha! Twenty-one, ano yun? Ang korny ng sinulat ko. Pasensya na wala ako magawa eh. Liberal ba ako?

No comments: